_pang-masa
^

Police Metro

Napagkamalang magnanakaw, dedo sa sekyu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 20-anyos na binata nang ito ay barilin ng isang sekyu matapos mapagkamalan na magnanakaw kahapon sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Si Jomar Bernardo ng Tomas Morato Avenue.

Naaresto ang suspek si Jayson Aca-Ac, 26, security guard at residente sa Brgy. Pansol sa lungsod.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng Scout Rallos kanto ng Tomas Morato Avenue, Brgy. Sacred Heart ay kasama nito sina Jimwell Aler at John Rey Gumanon at sakay ng tricycle at nag-iikot sa mga establisyimento sa lugar para mamili ng mga gamit na cooking oil na gagamitin para sa pagkain sa poultry.

Napadaan ang tatlo sa may Rubs Rib Bbq. na matatagpuan sa no. 64 Scout Rallos at nakita nila ang dalawang lata ng vegetable oil sa tabi nito na ang isa ay wala ng laman habang ang isa ay halos kalahati ang laman.

Inakala ng tatlo na mga basura na ang mga ito kung kaya’t isinakay sa kanilang tricycle at pinaandar.

Dito ay lumabas ang suspek mula sa  establis­yemento at  pinaputukan ang sasakyan ng tatlo at tinamaan sa likod si Bernardo.

BRGY JAYSON ACA-AC JIMWELL ALER JOHN REY GUMANON QUEZON CITY RUBS RIB BBQ SACRED HEART SCOUT RALLOS SI JOMAR BERNARDO TOMAS MORATO AVENUE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with