^

Police Metro

Bespren ni misis, lover ni mister

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang 18-anyos na ginang sa kanyang natuklasan na ang lover ng kanyang mister ay ang itinuturing niyang matalik na kaibigan matapos na mahuli ang mga ito na nagtatalik noong Sabado  sa bahay ng suspek sa Sta. Mesa, Maynila.

Nagsampa ng reklamo ang ginang na itinatago sa pangalang Haidee, isang buwan buntis at may isang anak laban sa bespren nitong si Ana, 21 at mister na si Arjay Cipriano, 25, tricycle driver, residente ng no. 3374 2nd St., Mapa, Sta. Mesa.

Sa salaysay ni Haidee, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang pasyalan niya ang bahay ng bespren sa Sta. Mesa, Maynila.

Habang nasa pinto pa lamang ng bahay ang biktima ay narinig na niya ang halinghing ng mga suspek na tila ang  lalaki ay ang kanyang mister.

Agad nitong tinad­yakan ang pintuan at bumungad sa kaniya ang eksenang nasa ibabaw ng kaniyang bespren ang mister sa aktong nagtatalik.

Nagsampa ng reklamo si Haidee laban sa dalawa, subalit nagsampa rin ng kontra demanda si Ana ng panghahalay dahil sa pinuwersa lamang siya ng mister nito na labag sa kanyang kalooban.

ARJAY CIPRIANO

HABANG

HAIDEE

KANYANG

MAPA

MAYNILA

MISTER

NAGSAMPA

SABADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with