Sanggol patay sa hita ng tiyo

Doris Franche-Borja (Pang-masa) - September 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang mahigit isang buwang gulang na sanggol na babae  matapos na ito ay madaganan ng hita ng kanyang tiyuhin kahapon ng mada­ling-araw sa Paco, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Akira Morita, ng  1490 1st St., Fabie Subd., Paco, Maynila.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Antonino Jurado, 28, pinsan ng ina ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-2:50 ng madaling araw nang matagpuang patay ang sanggol sa loob ng kanilang bahay.

Sa salaysay ng ina ng sanggol na si Jennalyn Jurado, 33, huli niyang nakitang buhay ang anak dakong alas-9:00 ng gabi nang iwan niya ito sa suspek  para ito alagaan.

Idinagdag pa ni Emma Jurado, 65 lola ng  biktima, pinadede pa niya sa bote ang  sanggol hanggang sa iwan niya ito sa duyan.

Nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang makita niya si Antonino katabi ang  sanggol  na hindi na humihinga.

Inamin ni Antonino sa pamagitan ng text sa isang Alexandra Grace Fuentes, 24 na nadaganan niya ang sanggol nang makatulog habang nagbabantay.

 

AKIRA MORITA ALEXANDRA GRACE FUENTES ANTONINO ANTONINO JURADO EMMA JURADO FABIE SUBD JENNALYN JURADO MAYNILA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with