^

Police Metro

Mula sa 21 floor ng hotel... Aussie lumundag sa kamatayan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-iwan muna ng 3 pahinang suicide note ang isang 65-anyos na Australian national na iniwan sa pamunuan ng hotel bago ito tumalon mula sa 21 palapag kahapon ng umaga sa Pasay City.

Basag ang bungo ng  biktima na kinilalang si Robert A. Andrews, ng  F-3-6 Edna St. Mt. Waverly  Victoria, 3149 Australia at pansamantalang nanunuluyan sa  Unit 2101,  21th Floor Atrium Hotel EGI Building sa panulukan ng Gil Puyat Avenue at  Taft Avenue ng lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga sa likod na bahagi ng naturang hotel nang marinig ng isang Freddie Seguvia, 32, binata, driver ng service car ng nasabing hotel ang pagbagsak ng biktima na sumabit pa sa kawad ng kuryente bago tuluyang  bumagsak sa kalsada.

Kaagad namang ipinagbigay alam ni Seguvia sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP)-3 ang insidente.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa silid na inakupahan ng biktima ay nakita ang 3 pahina na suicide note na naka-address  sa pamunuan ng Atrium Hotel at ilan sa mga nakasulat ang paghingi nito ng tawad sa pamunuan.

Ang biktima ay nag-check in noong Agosto 27 at  inookupahan  nito ang unit 2101 at magtatapos sana ang kanyang pag-stay sa noong Agosto 31 na pawang binayaran nito.

Subalit,  humingi pa ito ng tatlong araw na extension sa  hindi pa mabatid na dahilan hanggang sa isinagawa ang papapatiwakal.

AGOSTO

ATRIUM HOTEL

FLOOR ATRIUM HOTEL

FREDDIE SEGUVIA

GIL PUYAT AVENUE

MT. WAVERLY

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY PRECINCT

ROBERT A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with