Anak na nawawala natagpuan sa morgue
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Masakit ang pagkikita ng isang ina sa kanyang nawawalang anak dahil sa loob ng morgue na niya ito natagpuan matapos na i-salvage sa Navotas City kamakalawa.

Kinilala ni Clarita Villanueva, 47-anyos, ng Torcillo Street, Dagat-Dagatan, Caloocan City ang kanyang anak na si Jeffrey Villanueva, 30-anyos.

Sa ulat, lumalabas na dakong alas-11:30 ng gabi noong Agosto 21 nang ibaba sa isang sasakyan at barilin ng mga hindi nakilalang salarin si Villanueva sa bahagi ng Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas.

Ayon kay Clarita, mahigit isang linggo na niyang hinahanap ang nawawalang anak hanggang sa mabalitaan ang pagkakatagpo sa isang sinalvage na bangkay na kahawig ng kanyang anak ang pagkakala­rawan.

Sinamahan ng mga pulis ang ina sa pinagdalhang punerarya at nakumpirma na ito nga ang kanyang anak.

AGOSTO AYON BRGY CALOOCAN CITY CLARITA VILLANUEVA JEFFREY VILLANUEVA NAVOTAS CITY NORTH BAY BOULEVARD NORTH TORCILLO STREET
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with