Mga bomba ng NPA rebels nasamsam
Joy Cantos (Pang-masa) - August 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng operasyon ang tropa ng pamahalaan at nasamsam nila ang mga bomba  na gamit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kanilang ‘landmine attack’ at bulto ng mga bala  kamakalawa ng gabi sa Brgy. Elizalde, Maco, Compostela Valley.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi nang makumpiska ang mga bomba at paraphernalia sa paggawa ng eksplosibo sa nasabing lugar.

Nasamsam sa operasyon ang sari-saring mga paraphernalia sa paggawa ng bomba, ilang kilo ng IED, bulto ng mga bala para sa cal. 45, M14, 50 caliber, medical supplies, mga subersibong dokumento at iba pa.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) Region 11 hinggil sa nakaimbak sa lugar na mga bala at bomba ng NPA rebels bago ito sinalakay.

BATAY BRGY COMPOSTELA VALLEY CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION GROUP ELIZALDE NABATID NAGSAGAWA NEW PEOPLE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with