Raliyista hindi natinag sa buhos ng ulan

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - July 29, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi nagpatinag ang libu-libong rali­yista na sumugod sa Batasan Complex upang magsagawa ng programa laban sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Sinimulan dakong alas-3:00 ng hapon ng mga grupong militante ang pagmartsa patungong Commonwealth Avenue bitbit ang kanilang mga placard, streamers at effigy na naglalaman ng sali­tang tungkol sa korap­s­yon at pagpapahirap sa bayan at pagpapatalsik sa pangulo sa puwesto.

Hatak-hatak ang kanilang mga effigy ni P-Noy dinala ito ng militante Kilusang Mayo Uno at Gabriela sa Commonwealth Avenue, hanggang sa huminto sa Ever Gotesco kung saan itinumba ng mga ito ang isang hanay ng barikada ng otoridad.

Nagsipagdatingan ang mga magsasaka buhat sa Southern Tagalog at sama samang inokupa ang buong eastbound lane ng Feria Road at nagsimulang magprograma.

Tulad ng inaasahan hindi na nagawang makalapit ng mga raliyista malapit sa Batasan Complex dahil sa mga inilatag na barikada ng otoridad na may 100 metro buhat sa pagdarausan ng SONA.

Dakong alas-4:45 ng hapon sa kalagitnaan ng pagsasalita ng Pangulo ay sinimulan ng mga militante ang pagsunog sa pinakamalaking effigy ni P-Noy na nakaupo sa isang trono at may hawak ng baril.

Tinangka ng mga militanteng makausad sa barikada ng mga pulis at nabuwag ng mga ito ang barikada sa Ever Gotesco, subalit pagsapit sa barikadang itinayo sa Commonwealth, ilang metro ang layo sa Batasan complex ay binomba sila ng mga tubig ng mga bumbero buhat sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi natinag ang mga militante at nanati­ling nakatayo sa harap ng barikada, habang binobomba ng tubig, kasabay ng pagwawagayway sa kanilang mga dalang bandera at streamers.

 

BATASAN COMPLEX BUREAU OF FIRE PROTECTION COMMONWEALTH AVENUE EVER GOTESCO FERIA ROAD KILUSANG MAYO UNO P-NOY PANGULONG BENIGNO S
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with