^

Police Metro

Mag-asawa, anak tiklo sa shabu

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga otoridad ang ang mag-asawa at kanilang anak isang sa isang buy bust operation kamakalawa sa Malabon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Erwood Maliglig, 34; misis na si Jackilyn Legazpi, 30; at 15-anyos na anak na itinago ang pangalan.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa tapat ng bahay ng mga suspek makaraan ang ulat ng talamak na bentahan ng iligal na droga ng naturang pamilya.

Nang iabot ang isang pakete ng hinihinalang shabu kapalit ng P300 marked money ay dito na inaresto ng mga nakaantabay na mga pulis.

Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang pamilya upang mabatid kung saan at  sino ang nagsu-suplay sa kanila ng shabu.

ANAK

BUST

DINAKIP

ERWOOD MALIGLIG

ISANG

ISINASAILALIM

JACKILYN LEGAZPI

MALABON CITY

NANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with