^

Police Metro

Nagkakabit ng ‘jumper’ nakuryente, tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumulutang sa creek at patay na ang isang lalaki na umano’y magkakabit lang ng jumper ng kuryente mula sa poste ng Meralco sa Sampaloc, Maynila,  kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Joren Baladjay, tinatayang nasa 29-31-anyos at residente ng no.597 Geronimo st., Sampaloc, Manila. Nakapulupot pa sa beywang nito ang nasa 15 hanggang 20 metro kawad ng kuryente, na binalatan ang dulo at  pinaniniwalaang ikakabit sana sa nakalaylay na kuryente mula sa poste na nasa tabi ng estero.

Sa ulat ng pulisya,  dakong alas 10:30 ng umaga nang makitang nakalutang ang biktima sa  creek sa kanto ng J. Fajardo at Carolina sts., Sampaloc, Manila.

Ayon kay Rosalie Mijares, 43, stepmother ng biktima, kamakalawa ng hapon nang magpaalam ito na magkakabit ng linya ng kuryente bagama’t hindi naman sinabi kung saan ito magkakabit

Posibleng nalaglag sa tubig ang biktima nang aksidenteng mahawakan marahil nito ang live wire sa poste. Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral Homes.

vuukle comment

AYON

FAJARDO

GERONIMO

JOREN BALADJAY

KINILALA

LUMULUTANG

MAYNILA

MERALCO

ROSALIE MIJARES

ST. RICH FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with