2 biyenan, misis minasaker ng mister
Joy Cantos (Pang-masa) - May 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang Koreano ang kanyang dalawang biyenan at misis pagkatapos ay naglaslas naman siya ng pulso sa loob ng kanilang restoran sa Lapu Lapu City kahapon.

Natagpuang patay dahil sa mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang  mag-asawang Kim Soonok, Ho An at anak nilang babae na si Young Mi An na misis ng suspek na si Kim Se Wong na natagpuang duguan dahil sa laslas ng pulso.

Batay sa ulat, bandang alas-2:23  ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Han Ga Wi Restaurant na matatagpuan sa Sitio Bagong Bayan Dos.

Sa salaysay ng sekyu na si Sharo Inting wala siyang kamalay-malay na may naganap na krimen sa restoran na una niyang narinig na may kaguluhan at sigawan na hindi niya pinansin dahil sa away pamilya lang.

Natuklasan naman ang krimen nang isang kaibigang Koreano ng pamilya ang nagtungo sa lugar kamakalawa ng hapon dahilan hindi umano sumasagot sa tawag sa telepono ang mga biktima.

 Laking gulat naman nito at ng security guard  na si Inting nang tumambad sa kanila ang duguang katawan ng mga amo kaya’t agad na isinugod sa pagamutan.

Natagpuan naman ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) team ng pulisya sa kusina ang duguang kutsilyo na ginamit sa krimen.

HAN GA WI RESTAURANT HO AN KIM SE WONG KIM SOONOK KOREANO LAPU LAPU CITY SCENE OF THE CRIME OPE SHARO INTING SITIO BAGONG BAYAN DOS YOUNG MI AN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with