^

Police Metro

Kanonisasyon ng 2 Santo, inabangan ng buong mundo

Doris Franche Borja, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Buong mundo ng nag-abang sa makasaysayang kanonisasyon o paghirang bilang ganap na santo kina Pope John Paul II at Pope John XXIII kahapon.

Dumagsa ang milyun- milyong deboto sa Vatican mula sa iba’t ibang panig ng mundo kasama ang nasa halos 100 delegasyon mula sa iba’t ibang gobyerno at kaharian na sumaksi sa seremonyang pinangunahan ni Pope Francis.

Maging ang mga debotong Pilipino ay dumagsa rin sa St. Peter’s Square dahil malapit sa puso ng mga Pinoy ang dating Santo Papa na si John Paul II.

Ang dalawang Santo Papa ay itinuturing na “iconic figure” ng ika-20 siglo, hindi lang dahil sa kontribusyon ng mga ito sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko, kundi gayundin sa mga naimbag nito sa kasaysayan ng mundo.

Itinuturing si John Paul II bilang susi sa pagbagsak ng komunismo. Hinahangaan din ang paglilibot nito sa buong mundo para ilapit ang Simbahan sa mga mahihirap, mga katutubo, at mga may sakit. Hindi rin mapapantayan ang pakikipagdayalogo nito sa iba’t ibang lider ng ibang relihiyon gayundin sa ibang denominasyon ng Kristiyanismo para isulong ag ekumenismo.

Habang si John XXIII naman na tinaguriang “The Good Pope”, ang nagpasimula ng Second Vatican Council na nagpatupad ng mga reporma sa Simbahang Katolika sa buong mundo .

 

GOOD POPE

JOHN PAUL

POPE FRANCIS

POPE JOHN

POPE JOHN PAUL

SANTO PAPA

SECOND VATICAN COUNCIL

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with