May tama ng saksak... Bangkay ng lola itinapon

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - April 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - May tama ng saksak sa katawan at wala ng buhay ang isang 62-anyos na lola ng natagpuang ito sa isang lugar sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

 Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, may-hawak ng kaso, nakilala ang biktima na si Winnifreda Tanopo, biyuda at residente ng #100 Baetiong compound, Old Samson Road, Brgy. Apolonio Samson sa lungsod.

Sinabi ni Fabreag, may nakuha silang dalawang pirasong plastic sachet sa kamay ng biktima na naglalaman umano ng shabu, bagay na kanilang pinagtutuunang pansin kung may kinalaman ito sa naganap na pagpatay sa matanda.

Ayon sa report, ang biktima ay natagpuan sa Samson Road, Riverview Market, Balintawak, Brgy. Apolonio Samson, ganap na alas-2:30 ng madaling araw.

  Sinabi ni Devina Flores, busy siya sa pagbabalot ng tindang uling nang makarinig siya ng pumaradang tricyle sa tabi ng kanyang tindahan na tila may iniwan, saka nagmamadaling umalis doon.

 Nagpasya si Flores na tingnan kung ano ang iniwan ng tricycle driver at doon niya madiskubre ang biktima na wala ng buhay.

 Ilang residente na nakapuna din sa pangyayari ang agad na tumawag ng barangay opisyal na siya namang tumawag ng pulisya para sa imbestigasyon.

 Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng anim na tama ng saksak sa kanyang katawan, dalawa sa dibdib at apat sa bahagi ng kanyang likuran.

 

APOLONIO SAMSON AYON BRGY DEVINA FLORES OLD SAMSON ROAD PASCUAL FABREAG QUEZON CITY RIVERVIEW MARKET SAMSON ROAD SCENE OF THE CRIME OPERATIVES
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with