P50K pa reward vs killer ng lady reporter

Joy Cantos, Ellen Fernando (Pang-masa) - April 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magbibigay ng karagdagang P50,000 reward ang Alab ng Mamahayag (ALAM) para sa sinumang makapagtuturo sa ikaaresto ng bumaril, nakapatay at mastermind sa kaso ng pinaslang na reporter ng Remate tabloid sa Bacoor City,Cavite noong Abril 6.

Sinabi ni ALAM Chairman Jerry Yap, handang magbigay ang kanilang grupo ng dagdag na reward money na ipinalabas ni Bacoor City Mayor Strike Revilla at ni Cavite Gov. Jonvic Remulla mahuli lamang ang mga pumatay kay Rubilita “Rubie” Garcia, 52, NPC regular member, corespondent ng Remate at lider ng ALAM sa Cavite.

 Una nang nagpalabas Revilla at Remulla ng P50,000.00 reward para mapabilis ang pag-aresto ng batas sa mga nasa likod ng krimen.

Sinabi ni Yap na na­ngangamba ang kanilang grupo na pagtakpan na naman kung sino ang totoong may kasalanan lalo pa umano at sa kaniyang ‘dying declaration” ay itinuro ni Rubilita sa kaniyang anak na lalaki na isang police colonel na tinukoy na si Sr. Supt. Conrado Villanueva ang nasa likod ng krimen.

Si Villanueva ay sinibak ng PNP bilang hepe ng Tanza Police upang hindi nito maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

BACOOR CITY BACOOR CITY MAYOR STRIKE REVILLA CAVITE CAVITE GOV CHAIRMAN JERRY YAP CONRADO VILLANUEVA JONVIC REMULLA RUBILITA SI VILLANUEVA SINABI
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with