Power supplier nagbabala vs magnanakaw ng kuryente
Randy V. Datu (Pang-masa) - April 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Iniulat ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) ang tagumpay ng programa ng kompanya laban sa pagnanakaw ng kuryente na inilunsad mula nang pamahalaan nito ang suplay ng kuryente sa lungsod noong nakaraang taon.

Ang programa ay nag­lalayong “linisin” mga iligal na koneksyon ng kuryente sa lungsod upang mabigyan ang mga konsumer ng mas mahusay na serbisyo ng kuryente at mabawasan ang system loss charge.

Sa tulong ng Olongapo City Police Office, natukoy ng OEDC at naaresto ang mahigit sa 640 katao na sangkot sa wire tapping (jumpers) at meter tampe­ring at nakatakdang sampahan ng kasong kriminal sa korte.

Ayon sa kumpanya, dahil sa mga iligal na koneksyon ng kuryente ay umaabot sa 206,644 kilowatt-hours nang nakonsumong kuryente ang hindi nasisingil buwan-buwan.

Isinasaayos na rin ang mga depektibong transformer connection at ma­ling multiplier na dahilan ng mga maling meter re­gistrations sa mahigit 50 commercial establishment sa lungsod.

Gumagamit na rin ang kompanya ng mga tinatawag na meter clusters upang mapigil ang mga iligal na koneksyon sa mga secondary lines na kinakitaan ng positibong resulta nang mabawi ang 175,935 kWh na nawawala bawat buwan.

Binigyang pansin din na hanggang Mayo 2013, ang system loss ng lungsod ay umaabot sa 37.2% dulot ng iligal na koneksyon ng kuryente. Ngunit noong Pebrero 2014 o makalipas ang siyam na buwan mula nang magsimula ang OEDC ng operasyon, ang System Loss ay bumagsak sa 18.2%.

Ipinapaalala ng OEDC sa publiko na ang energy pilferage o pagnanakaw ng kuryente ay mabigat na krimen sa ilalim ng Republic Act 7832, na mas kilala bilang  Anti-Pilferage Law, kung saan ang mga parusa ay anim hanggang 12 taong pagkabilanggo o multa o pareho.

ANTI-PILFERAGE LAW AYON BINIGYANG KURYENTE OLONGAPO CITY POLICE OFFICE OLONGAPO ELECTRICITY DISTRIBUTION COMPANY REPUBLIC ACT SYSTEM LOSS
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with