^

Police Metro

3 Katao inutas ng magnanakaw

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mag-asawa at kanilang helper ang nasawi matapos na sila ay ataduhin nang saksak ng dalawang lalaki na pumasok sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Albano St., District 3, Cauayan City, Isabela.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina John Pablo, 30 at misis nitong si Lovelyn at ang helper  na si Edwin Bautista.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi ay kauuwi lamang nina Lovelyn at Edwin mula sa paglalako ng barbecue nang madatnan ang mister na si John na duguang nakahandusay matapos na pagsasaksakin.

Bigla na lamang nagulat si Lovelyn nang siya ay atakehin nang saksak ng mga suspek na nagtatago at ilang sandali ay namatay din ito.

Nagtangka namang tumakas si Bautista, subalit hinabol siya ng mga suspek at nang maabutan ay  pinagsasaksak din hanggang sa masawi.

Narinig ng kanilang mga kapitbahay ang gulo at sigawan  kaya’t mabilis na  tumatalilis ang mga suspek na nabigo ng makilala dahilan sa kadiliman ng gabi.

Tinangay ng mga suspek ang bag ng ginang na naglalaman ng perang pinagbentahan nito sa pagtitinda ng barbecue.

 

vuukle comment

ALBANO ST.

BAUTISTA

BIGLA

CAUAYAN CITY

EDWIN

EDWIN BAUTISTA

ISABELA

ISANG

JOHN PABLO

LOVELYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with