^

Police Metro

Sinasakyang tricycle sumalpok... 4 galing lamay, patay sa van

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pakiki­paglamay ng isang ama at dalawa nitong anak na menor-de- edad matapos na sila ay masawi kasama ang dri­ver ng sinasakyan nilang tricycle nang sumalpok sa kasalubong na delivery van kamakalawa ng gabi sa national highway ng Brgy. Urayong­, Caba, La Union.

Ang  mga nasawi ay kinilalang sina Nelvin Basco, dalawang anak na 9 at 13-anyos na hindi pinangalanan at ang tricycle driver na si Benlor Tungpalan, kapwa residente ng Brgy. Talugtog, San Juan ng lalawigan.

Batay sa ulat, dakong alas-6:24 ng gabi nang mawalan ng kontrol sa manibela ang minamanehong tricycle (ZW 2934) ni Tungpalan matapos na sumabog ang unahang gulong nito kung kaya’t tuluy-tuloy na  sumalpok sa kasalubong na Isuzu delivery van (REX-640) na minamenho ni Noel de Leon.

Sa lakas ng pagkakabangga ay namatay noon din  ang dalawang menor- de-edad habang binawian naman ng buhay sa ospital ang ama nilang si Nelvin at ang driver na si Tungpalan.

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver  na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

 

BATAY

BENLOR TUNGPALAN

BOLUNTARYO

BRGY

ISUZU

LA UNION

NELVIN BASCO

SAN JUAN

TUNGPALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with