^

Police Metro

Niratrat sa loob ng taxi... mag-ina na may kasong carjacking itinumba

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang mag-ina makaraang pagbabarilin sa loob ng sinasakyang taxi ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos na dumalo sa isang hearing ng kanilang kaso sa Quezon City Hall of Justice sa lungsod kahapon ng umaga.

Ang nasawing mag-ina ay kinilalang sina Mark Joseph Reyes, 16 at ina nito na si Jasmin.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril dakong alas-11:30 ng umaga ay galing mula sa isang pagdinig sa kasong carnapping at illegal possesions of firearms sa Quezon City Regional Trial Court Branch 94 ang mag-ina kasama ang isang hindi pa kilalang babae nang sumakay sila sa Valentino Taxi (UVC-167), pinapasada ni Jun Bobis, 49.

Ang mag-ina ay umupo sa likuran ng taxi habang ang kasamang  babae ay sa harapan at nagpahatid sa Monumento sa Caloocan City.

Pagsapit sa gate ng Kalayaan Avenue sa City Hall Complex, ay bu­maba ang babae ng taxi at sinabihan ang mag-ina na magkita na lang sila sa Monumento.

 Pagsapit sa Eliptical Road ay hinarang ang taxi ni Bobis ng kasamang taxi driver na si Rommel Dinulos para manghiram ng gamit dahil nasiraan ang kanyang taxi.

Sinabi ni Bobis kay Dinulos na ipaparada lang ang kanilang taxi sa kahabaan ng Quezon City Memorial Circle at habang sila ay nag-uusap ay nakarinig sila ng mga putok ng baril at nakita ang dalawang suspek na nasa gilid ng taxi ng una at pinagbabaril ang mag-ina na kanyang pasahero.

Ang mga suspek naman ay humarurot papalayo sakay ng kanilang motorsiklo patungong direksyon ng North Avenue.

Magugunita na noong Agosto 2011 ay nadakip si Mark Joseph at kanyang nanay kasama ang isang Arlene Datul-Juaniza dahil sa pagta­ngay sa service vehicle ng Social Security System president na si Emilio de Quiros Jr., sa lungsod habang ang tatay ng binatilyo na si Mark Lester naman ay natangay ang itim na Toyota Fortuner na kalaunan ay narekober sa Bulacan.

ARLENE DATUL-JUANIZA

BOBIS

CALOOCAN CITY

CITY HALL COMPLEX

ELIPTICAL ROAD

INA

JUN BOBIS

KALAYAAN AVENUE

TAXI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with