3 lalaki nahulihan ng mga baril sa checkpoint
Ludy Bermudo (Pang-masa) - February 14, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga pulis sa checkpoint ang tatlong lalaki na sakay ng isang kotse nang mamataan na  wala itong plaka kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jessie Berin, 34, ng  Lot 36, Dahlia St., Green Valley, Bacoor , Cavite; kapatid nitong si Jerson, 28, construction worker, ng Group 2, Major Ext., Taguig City at Abiden Renta, 34, jeepney driver, ng Naga City.

Sa ulat,  dakong alas-9:30 ng gabi nang parahin ni C/Insp. Rey Cocson, ng Manila Police District-District Public Safety Battalion nang maghinala sila sa tinted na kulay itim na Toyota Vios na may conduction sticker na TW 9066  sa inilatag nilang checkpoint sa TM  Kalaw, Ermita, Maynila.

Nang pagbuksan ang kotse ay nakita sa lapag ng sasakyan ang 2 kalibre .45 kalibre pistola kaya’t ginalugad ang kotse at nakuha pa ang ilang baril, sketch at mga cellphone na hinihinalang gagamitin sa surveilance o krimen sa Ermita, Maynila.

Ipinagharap na ng mga kasong reckless driving, dri­ving without license plate at illegal possession of firearms ang mga suspek  na aalamin din ang background kung sangkot sa holdapan, panga­ngarnap o gun for hire ang mga ito.

ABIDEN RENTA DAHLIA ST. ERMITA GREEN VALLEY JESSIE BERIN MAJOR EXT MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT PUBLIC SAFETY BATTALION MAYNILA NAGA CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with