Binatilyo na pinagalitan ng magulang, nagbigti
Joy Cantos (Pang-masa) - December 31, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang 15-anyos na binatilyo ang pagkastigo sa kanya ng magulang matapos hindi magpaalam na pupunta sa party ng barkada kung kaya’t nagawa nitong kitilin ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa sa kanilang bahay sa bayan ng Sibutad, Zamboanga del Norte.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ng magulang ang pagbibigti ng anak na si Jonel Basilan Anore sa silid ng kanilang bahay na matatagpuan sa Purok VI, Brgy. Poblacion, Sibutad.

Sa teorya ng pulisya, pinaniniwalaang nagbigti si Jonel sa pagitan ng alas-7:00 at alas-8:00 ng gabi base sa kondisyon ng bangkay nito na sinuri ng nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

 Nabatid na  pinagalitan ng kaniyang mga magulang ang biktima dahilan sa pag-alis nito ng walang paalam matapos na makipag-party sa kaniyang mga kaibigan.

Nagkulong umano ang biktima sa kaniyang silid at nang katukin ng magulang para anyayahan na kumain ng almusal ay hindi nagbukas ng pinto kaya’t napilitan ang  magulang na buksan at tumambad ang nakabigting anak.

 

BATAY BRGY JONEL JONEL BASILAN ANORE NABATID NAGKULONG NORTE PUROK SCENE OF THE CRIME OPERATIVES SIBUTAD
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with