^

Police Metro

P359-M rehab ng Visayas ikinasa ng Caritas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinasa ng Simbahang Katolika at Caritas Internationalis na binubuo ng iba’t-ibang Caritas networks sa buong mundo ang 5-year 359-milyong pisong rehabilitation program para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas region.

Sinabi ni Caritas Manila executive director Father Anton Pascual na ang 5-year recovery program ng Simbahang Katolika katuwang ang Caritas Internationalis ang pagkakaloob ng “cash for work” at livelihood sa mga biktima ng bagyong Yolanda para sa kanilang tuluyang pagbangon mula sa pa­nanalasa ng kalamidad sa kanilang kabuhayan.

Batay sa isinaga­wang assessment, ma­nga­­ngailangan ang Caritas Philippines ng Php286,147,363.00 para sa pagpapatuloy ng relief operations, na inaasahang tatagal hanggang sa Pebrero ng taong 2014.

Kabilang sa 5-year Recovery and Rehabilitation program ang (1) pagpapatuloy ng pamamahagi ng relief goods sa 100-libong katao at ng non-food items at hygiene packs sa 55-libong pamilya; (2) rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng 90 bangka sa 450 pamilya, binhi at livestock sa 13,750 pamil­ya at mga gamit para sa muling pagtatayo ng disaster-resilient homes; at ang (3) Food for work at Cash for work, na naglalayong mapanumbalik ang normal na paghahanap-buhay ng survivors.

vuukle comment

BATAY

CARITAS INTERNATIONALIS

CARITAS MANILA

CARITAS PHILIPPINES

FATHER ANTON PASCUAL

IKINASA

RECOVERY AND REHABILITATION

SIMBAHANG KATOLIKA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with