UST student tumalon mula SA 29th floor ng condo
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 26, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -Tumalon mula sa ika-29 palapag ng tinutuluyang condominium ang isang 19-anyos na estudyante umano ng University of Sto. Tomas (UST), sa Taft Avenue, Malate, Maynila.

Lasug-lasog ang katawan ng biktimang si Leonard Torres, nanunuluyan sa ika-23 palapag ng Kassel Condominium sa Taft Avenue, malapit  sa panulukan ng Vito Cruz st., sa Malate.

Bago umano tumalon ang biktima,  namataan pa ito ng ilang residente na nakaupo sa gilid ng gusali sa ika-29 na palapag, bandang ala-1:45 ng hapon na kakaiba ang kilos.

Dahil dito’y agad na inireport ang biktima sa administrator ng condo at tumawag umano ito ng saklolo habang isang vendor at security guard sa gilid ng condo ang tumawag naman ng pulis.

Ngunit dahil isang oras na ang itinagal bago dumating ang hinihintay na rescue ay bigla na lang  nakitang tumalon ang biktima at  bumulusok pababa naman sa bubong ng isang mababang gusali, na sinasabing isang power supply room, sa tabi lamang ng condo malapit sa V. Cruz LRT station.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ang insidente kung ito’y tunay na suicide at walang foul play.

CRUZ DAHIL KASSEL CONDOMINIUM LASUG LEONARD TORRES MAYNILA NGUNIT TAFT AVENUE UNIVERSITY OF STO VITO CRUZ
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with