_pang-masa
^

Police Metro

Bahay nasunog dahil sa... charger sumabog: 4 patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang apat  na katao matapos na makulong sa nasusunog nilang residential-condominium building sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga matapos umanong pumutok ang nag-overheat na cell phone charger.

Ang mga nasawi ay ki­nilalang sina Erlinda Ching, 40, at mga kasambahay  na nakilala lamang sa mga pangalang Princess, Fatime at Rema. 

Natagpuan ang bangkay ni Ching na nakalawit pa ang paa nito sa rehas ng nakakandadong fire exit sa mezzanine na pina­niniwalaang nais nitong makalabas.

Habang ang mga kasambahay nito ay natagpuang magkakatabi sa 3rd floor ng bahay sa 604  Fernandez St., Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng mga biktima.

Halos umabot sa dalawang oras ang sunog bago ito idineklarang fire-out dakong 7:00 ng umaga na umabot sa ikalimang alarma.

Sa inisyal na ulat na ang sunog ay nagsimula sa sumabog na cell phone charger na umano ay nag-overheat.

Tinatayang P3 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.

 

 

BATAY CRUZ ERLINDA CHING FATIME FERNANDEZ ST. HABANG MAYNILA NASAWI NATAGPUAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with