5 bantay-salakay na sekyu tiklo sa pagnanakaw
Mer Layson (Pang-masa) - June 18, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Arestado ang limang security guard na pawang empleyado ng Golden Summit Security Agency at nakatalaga sa FF Cruz Construction Company matapos na pagnakawan ng mga tanso ang binabantayan nilang warehouse sa Barangay Ugong, Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Ang mga dinakip ay kinilalang sina PJ Bali­do, 20, ng Parola Compound Tondo Maynila; Ric Lopes, 36; Joel Lopez 21; Jerry Donato, at Rex
Apostol, 29, pawang mga residente ng  Barangay  Inarawan, Antipolo City.

Batay sa ulat dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang uma­no’y ilabas ng mga gu­­war­diya ang ki­lu-kilong tanso mula sa kanilang bina­bantayang warehouse.

Tinangka pa umano ng mga suspek na kumbinsihin ang kapwa nila guwardiya na naka-duty na si Raffy Porto upang sumama sa  kanilang magnakaw ngunit tumanggi ito.

Subalit, itinuloy pa umano ng mga suspek ang pagnanakaw kaya’t na­pilitan si Porto na magsumbong sa kanilang Ope­rations Mana­ger kina­umagahan, saka nagtungo sa himpilan ng pulisya upang i-report ang insidente at naaresto ang mga suspek.

ANTIPOLO CITY BARANGAY UGONG CRUZ CONSTRUCTION COMPANY GOLDEN SUMMIT SECURITY AGENCY JERRY DONATO JOEL LOPEZ PAROLA COMPOUND TONDO MAYNILA SHY
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with