3 nasawi, 5 sugatan… PNP blangko pa rin sa Serendra blast
Joy Cantos at Lordeth Bonilla (Pang-masa) - June 2, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Wala pa rin indi­kasyon ang pu­lisya sa naganap na pagsabog sa Two Serendra Condominium sa Bonifacio Global City, Taguig City ay gawa ng bomba.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Gov’t Secretary Mar Roxas sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad na kung saan ay tatlong katao ang nasawi at pagkasugat ng limang iba pa na naganap kamakalawa ng gabi.

Ang tatlong nasawi ay kinilalang sina Salvador Natividad, 41; driver ng Abenson Applian­ces delivery van at mga pahi­nante na sina Marlon Badiola, 29; at Jeffrey Umali, 33  na nabagsakan ng ma­laking tipak ng pader mula sa sumabog na 501 unit sa naturang condominium.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Angelito San Juan, nasa hustong gu­lang, nanunuluyan 501 Unit, Two Serendra, na matatagpuan sa 11th Avenue, Global City Fort Bonifacio, Ta­guig City; Allen Poole, isang American citizen, nanunuluyan naman sa Room 603 ng naturang con­dominium; batang ba­bae na si Louise Lorenzo, 9-anyos; Janice Ni­cole Bonjoc at April Joy Garcia, 19, na dinala sa Saint Luke’s Hospital Glo­bal City.

Ayon kay Roxas, tat­long teams ng bomb snif­fing dogs ang guma­lugad sa crime scene, su­balit wala pang nakitang palatandaan ng bomba at wala ring natagpuang triggering mechanism ang mga imbestigador.

Inihayag nito na hindi pangkaraniwan ang pag­sabog at masusi niyang pinatutukan sa PNP ang imbestigasyon upang mabigyang linaw ang kaso.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang yanigin ng malakas na pag­sabog ang ikalimang palapag sa  Unit 501- B ng Two Serendra condomi­nium kung saan nadamay rin sa pinsala ang sampu pang katabi nitong unit.

Sinabi pa ng opisyal na ang blast site bilang ‘crime scene’ ay ipre-pre­­serba muna ha­bang patuloy ang imbestigasyon at panga­ngalap ng ebidensya sa pagsabog.

ABENSON APPLIAN ALLEN POOLE ANGELITO SAN JUAN APRIL JOY GARCIA BONIFACIO GLOBAL CITY GLOBAL CITY FORT BONIFACIO HOSPITAL GLO SHY TWO SERENDRA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with