_pang-masa
^

Ginang nanganak sa tren ng LRT

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia (Pang-masa) - May 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -Inabot ng kanyang pa­nganganak ang 35-anyos na ginang nang isilang nito ang sanggol na lalaki sa loob ng isang tren ng Light Rail Transit Authority (Line 1) sa pagitan ng is­tas­yon ng Carriedo at Do­roteo Jose sa Maynila ka­hapon ng umaga.

Nasa ligtas nang ka­lagayan si Darlene Idio, ng Piñas City at ang lala­king sanggol nito sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, May­nila.

Batay sa ulat, sumakay sa may Baclaran station si Idio kasama ang mister nito upang magtungo sa naturang pagamutan dahil sa paghilab ng tiyan.

Nang makalagpas sa Carriedo Station ay pu­mutok ang panubigan ni Idio na agad namang tinulungan ng isang nurse na si Maria Cecilia Lopez na nagkataong nandoon din sa tren.

Pagsapit sa may D. Jose Station, sinalubong na ng ibang empleyado ng LRTA ang ginang at dinala sa pagamutan.

Nabatid na si Idio ay ikalawa nang nanganak sa loob ng tren at ang pi­na­kahuling nanganak ay si Anita Paz noong Set­yembre 13, 2012.

ANITA PAZ CARRIEDO STATION DARLENE IDIO DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL IDIO JOSE STATION LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY MARIA CECILIA LOPEZ SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with