^

Police Metro

Turismo palalakasin ng tatlong independent senatoriables

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nangako ng suporta at tulong sa turismo para palakasin ang pagnenegosyo ng mga independent travel agency sa bansa ng tatlong independent senatorial candidate.

Ito ang inihayag ka­ha­pon nina senatoriables Ricardo Penson, Rizalito David at si Ruth Ca­­sino ang asawa ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casino sa “Senatorial Candidates Forum on Tourism” na inorganisa ng National
Association of Independent Travel Agencies (NA­ITAS) sa Shangri-la Hotel sa Mandaluyong City.

Ayon kay Wanda Teo, presidente ng NAITAS, ang naturang forum ay para malaman ang plataporma ng mga kandidato ukol sa turismo na siya nilang ikinabubuhay na nasa pagnenegosyo ng travel agency.

“Kung maunlad ang turismo maganda rin ang pasok ng negosyo sa aming mga nasa travel agency kaya nararapat lamang na mamili kami ng pulitiko na may pakialam sa turismo,” pahayag ni Teo.

ASSOCIATION OF INDEPENDENT TRAVEL AGENCIES

BAYAN MUNA REP

MANDALUYONG CITY

RICARDO PENSON

RIZALITO DAVID

RUTH CA

SENATORIAL CANDIDATES FORUM

TEODORO CASINO

WANDA TEO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with