^

Police Metro

3 magkaibigan pinabulagta sa inuman

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang tatlong magkakaibigan habang sila ay masayang nag-iinuman matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng  gabi.

Agad na nasawi sa pi­nangyarihan ng krimen ang mga biktimang sina Ranillo Malinao, 30, ng Hu­long Duhat; Melvin Lu­ciano, 37, ng Bayan-Ba­yanan, kapwa ng naturang lungsod at Elmar Tulipas, 41, residente naman ng Barangay  Tanza, Navotas City.

Nilalapatan naman ng lunas sa Tondo Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan ang isa pang biktima na si Ronald Pinos, 28, taga  Barangay  Hulong Duhat, Malabon City.

Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-11:50 ng gabi sa kahabaan ng Gil Pascual St., Barangay Hulong Duhat sa lungsod.

Ayon sa report, habang nagkakasayahan sa inuman ang magkakaibi­gan na biktima nang biglang sumulpot ang tatlong hindi kilalang armadong suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek na ngayon ay patuloy pang sinisiyasat ng pulisya ang naganap na insidente.

 

BARANGAY HULONG DUHAT

ELMAR TULIPAS

GIL PASCUAL ST.

HULONG DUHAT

MALABON CITY

MELVIN LU

NAVOTAS CITY

RANILLO MALINAO

RONALD PINOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with