^

Ginang tepok sa salpok ng motor

Mer Layson (Pang-masa) - March 7, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong Medical Center ang isang 56-anyos na ginang matapos itong masalpok ng isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Ang biktima ay naki­lalang si Helen Brutas, 56, ng 862 Block 38, Wel­fareville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City matapos na mabagok ang ulo.

Ang suspek na nadakip ng pulisya ay nakilalang si Renato Mamoga Jr., 32, binata, at residente ng 838 Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay papauwi na ang biktima mula sa pamamalengke sa talipapa sa kanilang lugar at habang patawid ay bigla na lang itong tumbukin ng isang Honda motorcycle (VJ 9793) na minamaneho ng suspek.

Sa lakas nang pagkabundol sa biktima ay tumilapon ito at una ang ulo na tumama sa semento.

Sinasabing nakainom ng alak ang suspek at nwala itong maipakitang rehistro ng kanyang motorsiklo at wala rin dalang lisensya.

 

BARANGAY ADDITION HILLS BATAY HELEN BRUTAS MANDALUYONG CITY MANDALUYONG MEDICAL CENTER RENATO MAMOGA JR. SINASABING WEL WELFAREVILLE COMPOUND
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with