_pang-masa
^

Police Metro

1 araw matapos mapatay ang vice mayoral bet sa Masbate… Konsehal patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang araw matapos na paslangin ng mga hindi pa kilalang suspek ang kandidatong bise alkalde  ng Mobo, Masbate na si Isagani Lupaso, 41-anyos, ABC President, ay isa namang konsehal ng bayan ng Balud ang binaril at napatay kamakalawa ng hapon sa  bayang ito.

Ang biktima ay nasawi dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan ay nakilalang si  Ladislao Macuha, 66.

Patuloy namang nila­lapatan ng lunas matapos ilipat na sa Masbate Doctors Hospital ang su­ga­tang si Florido Villalobos, 50.

Batay sa ulat ni Masbate Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Heriberto Oliti­quit, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang pananambang sa biktima sa bisinidad ng Sitio Tambobo, Brgy. San Andres, Ba­lud.

Matapos na pagbabarilin ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang desti­nasyon.

Ang lalawigan ng Mas­­­bate ay kabilang sa mga lalawigang naideklarang 16 hot risk areas’ ka­­ug­nay ng pagdaraos ng midterm elections nga­yong buwan ng Mayo.

DIRECTOR P FLORIDO VILLALOBOS HERIBERTO OLITI ISAGANI LUPASO LADISLAO MACUHA MASBATE DOCTORS HOSPITAL MASBATE PROVINCIAL POLICE OFFICE SAN ANDRES SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with