_pang-masa
^

Bagong engkuwentro sa Sabah: 11 pa tauhan ni Kiram napatay

Ellen Fernando (Pang-masa) - March 5, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Iniulat ni Department of Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na 11 tagasuporta ni Sultan Kiram na pinamumunuan ng kapatid na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram ang napatay sa panibagong pakikipag-enkuwentro sa Malaysian security forces sa Semporna, Sabah.

Kinumpirma rin ng Ma­laysian Police kaha­pon na anim sa kanilang hanay ang napatay sa ambush-attack nitong Sabado ng gabi sa Kampung Sri Jaya, Simunul, Semporna sa Sabah. Habang 19 pulis-Malaysia ang nakaligtas sa pag-atake at sagupaan.

Una umanong narekober ang anim na bangkay ng mga miyembro ng Royal Army at anim na Malaysian policemen sa isinasagawang mopping-up operations ng Malaysian authorities sa Similul, Semporna noong Linggo ng gabi.

Ang sagupaan sa Sem­porna, may 300 kilome­tro ang layo sa Tanduo village, Lahad Datu ay kasunod sa naganap na standoff at engkuwentro sa Lahad Datu na ikinasawi ng 10 Pinoy Muslim at dalawang Malaysian policemen noong Biyernes.

Ang grupo ni Rajah Muda ay humihingi na ng saklolo kahapon sa kanyang mga kaanak sa Pilipinas upang magpadala ng pagkain, gamot ng mga sugatan sa Sabah at humihingi ng seguridad upang maiuwi o madala sila ng ligtas sa Simunul Island.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ KAMPUNG SRI JAYA LAHAD DATU PINOY MUSLIM RAJAH MUDA RAJAH MUDA AGBIMUDDIN KIRAM ROYAL ARMY SABAH SEMPORNA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with