Kasama ang ‘Papa’ sa loob ng motel... beki utas sa ‘sarap’
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 17, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Isang beki o bading ang sinasabing nasawi sa ‘sarap’ kasama ang kanyang guwapong ‘Papa’ nang atakehin ito sa puso sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Ang biktima ay naki­lala sa pamamagitan ng ATM card na nakuha sa kanyang wallet ay si Edgar Sanchez, 47 nakatira sa #2157 Leveriza St., Malate, Maynila.

Batay sa ulat na isinumite ni  Det. Julieto Malindog, kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-8:15 ng gabi nang madisku­b­reng patay ang biktima sa loob ng Room 304 sa  Spring Hotel na makikita sa 858 Rizal Avenue Sta. Cruz, Maynila.

Bago nadiskubreng patay ang nasabing biktima, bandang alas-6:00 ng gabi ng mag-check-in ito ng short time o tatlong oras, kasama ang kanyang guwapong ‘Papa’.

Makalipas ang dalawang oras nang napansin ng motel personnel na nag­mamadaling lumabas sa kuwarto ang guwapong “Papa” kaya pinigil nila ito.

Habang nagsasagawa ng routine call ang mga room boy sa kuwarto ng biktima ay hindi nila napansin na nakapuslit ng palabas ng motel ang guwapong “Papa”.

Nang buksan nila sa pamagitan ng duplicate key ang kuwarto ng biktima ay tumambad sa kanila na nakadapa ito sa kama, nakasuot ng kulay green na brief, polo short na may kulay green na kuwelyo at wala nang buhay.

Wala namang nakitang anumang sugat o pala­tandaan na sinaktan ang biktima kaya naniniwala ang pulisya na inatake ito sa puso dala marahil ng romansang ipinalasap sa kanya ng guwapong “Papa”.

Nakuha sa biktima ang kanyang pitaka na may laman na P600 at ATM card.

Gayunman, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima at hinahanap pa ang guwapong “Papa” na kanyang kasamang nag-check-in sa loob ng nasabing motel.

BIKTIMA CRUZ EDGAR SANCHEZ JULIETO MALINDOG LEVERIZA ST. MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION MAYNILA RIZAL AVENUE STA SPRING HOTEL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with