^

Police Metro

Sunog sa Gensan: 100 bahay natupok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 100 kabahayan ang naabo habang isa ang nasugatan sa naganap na sunog sa isang squatters area sa General Santos City kahapon ng hapon.

Ang nasugatan ay kinilalang si Sandy Sulaiman, nagtamo ng paso sa likurang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, dakong ala-1:43 ng hapon nang maganap ang sunog sa Purok Islam, Brgy. Da­diangas South malapit sa tabing dagat ng lungsod.

Lumalabas sa ulat na nagsimula ang sunog sa bahay ni Sulaiman na mabilis kumalat sa mga katabing kabahayan na pawang mga barung-barong at dalawa lamang ang konkreto dahilan sa malakas ang hangin sa lugar.

Naapula naman ang sunog matapos magresponde ang mga bumbero sa lugar.

Tinataya namang aabot sa P 800,000 ang pinsala ng sunog habang patuloy ang imbestigasyon  kung ano ang dahilan ng sunog.

vuukle comment

BATAY

BRGY

GENERAL SANTOS CITY

LUMALABAS

NAAPULA

PUROK ISLAM

SANDY SULAIMAN

SULAIMAN

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with