^

PM Sports

NCR dominado pa rin ang Palarong Pambansa

Elech Dawa - Pang-masa
NCR dominado pa rin ang Palarong Pambansa
Nakalikom ang NCR ng 91 gold, 71 silver at 71 bronze medals sapat upang tiyakin ang pang 19 sunod na pangkalahatang kampeon sa event na inorganisa ng Department of Education at sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.
Agusan del Sur - Palarong Pambansa 2026

PROSPERIDAD, Agusan del Sur, Philippines — Ipinakita ng National Capital Region (NCR) ang kanilang lakas upang manatiling overall champion sa 66th Palarong Pambansa na nagsimula noong Mayo 24 at nagtapos kahapon dito.

Nakalikom ang NCR ng 91 gold, 71 silver at 71 bronze medals sapat upang tiyakin ang pang 19 sunod na pangkalahatang kampeon sa event na inorganisa ng Department of Education at sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Nasa pangalawang puwesto ang Region IV-A (CALABARZON) na kumalawit ng 55 ginto, 50 pilak at 60 tanso habang nakopo ng Region XI (Davao Region) ang third place (33 ginto, 32 pilak, 34 tanso).

Isa sa mga atletang malaking inambag sa NCR ay si swimmer Patricia Mae Santor na kumalawit ng perfect seven gold medals.

Nakopo ng Region VII (Central Visayas) ang pang-apat na puwesto sa hinakot na 32 gold, 30 silver at 44 bronze medals habang pang-lima ang Region VI (Western Visayas) na may 31, 36, 45 ginto, pilak at tanso.

Samantala, humanga si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa laki at ganda ng pasilidad ng Media central ng bumisita ito kasama si Agusan del Sur Vice Governor Patricia Anne Plaza noong Sabadao ng gabi.

Pinuri ng Mayor ng Quezon City ang matagumpay na pagdaraos ng nasabing event sa Agusan del Sur.

“Ang galing, congratulations this is realy big achievements,” nakangiting pahayag ni Mayor Joy.

Posibleng mas pabobonggahin ni Mayor Joy ang 67th Palarong Pambansa sa susunod na taon kung saan ang Quezon City ang magiging punong abala.

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with