^

PM Sports

Capital1 bagsak sa Cignal

Russell Cadayona - Pang-masa
Capital1 bagsak sa Cignal
Nailusot ni Erika Santos ng Cignal ang bola laban kay Jorelle Singh ng Capital1 sa PVL on Tour sa Vigan.
PVL photo

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Cignal HD sa ikalawang sunod na panalo matapos walisin ang Capital1 Solar Energy, 25-21, 25-22, 25-16, sa 2025 PVL on Tour kahapon sa Chavit Coliseum sa Vigan, Ilocos Sur.

Pumalo si Erika Santos ng 11 points mula sa walong attacks at tatlong blocks para muling banderahan ang HD Spikers sa pagtatala ng 2-0  record sa Pool B.

Nagdagdag si Rose Doria-Aquino ng 10 mar­kers habang tumipa si team captain Gel Cayuna ng 27 excellent sets at limang puntos.

“Sa dugout pa lang pinag-uusapan na namin na dapat masaya lang kaming maglaro since may mga bago (players),” wika ni Cayuna. “Lahat naman nakapag-contribute.”

Nauna nang tinalo ng tropa ni coach Shaq delos Santos ang Akari, 25-23, 25-14, 25-23, sa pagbubukas ng pre-season tournament noong Linggo.

Bagsak ang Solar Spi­kers sa 0-2 marka kasama ang naunang 10-25, 21-25, 10-25 kabiguan sa Creamline Cool Smashers.

Kinuha ng Cignal ang first set, 25-21, bago lumamang ang Cignal sa se­cond frame, 19-17, sa likod nina Jorelle Singh at Trisha Genesis.

Nakahabol ang HD Spikers at inagaw ang set point, 24-21, galing sa hataw ni Heather Guino-o na pumigil sa atake ni Rovie Instrella ng Solar Spikers para selyuhan ang kanilang 25-22 panalo.

Sa third set ay kaagad nakalayo ang Cignal sa 9-4 patungo sa 18-11 kalama­ngan sa Capital1.

Ang blangka ni HD Spikers rookie middle blocker Jessa Ordiales kay Genesis ang tumapos sa Solar Spikers.

 

SPORTS

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with