^

PM Sports

Alex sumulong sa No. 74 sa WTA

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos bumaba sa world rankings dahil sa sunud-sunod na kabiguan sa clay season, muling sumulong si Alex Eala sa bagong world rankings ng Women’s Tennis Association (WTA) kahapon.

Nahulog si Eala sa 77th spot ngunit nakabawi ito para okupahan ang bagong ranking nitong No. 74.

Dahil sa kanyang magandang posisyon, mas lalong lumakas ang tansa nitong makapasok sa main draw ng prestihiyosong Wimbledon Championships na nakatakdang magsimula sa susunod na linggo.

Malaking tulong ang dalawang panalo ni Eala sa qualifying round ng Eastbourne Open na na­ging daan para makasiguro ng tiket sa maind draw.

Unang tinalo ng Pinay netter si Zeynep Sonmez ng Turkey sa pamamagitan ng 6-1, 6-3 demolisyon sa first round ng qualifying tournament noong Sabado.

Kinailangan ni Eala ng malakas na puwersa sa final round para patumbahin si  world No. 54 Hailey Baptiste ng Amerika sa bisa ng pukpukang  6-7 (1), 7-6(4), 6-1 panalo noong Linggo.

Dahil dito, pasok na sa main draw si Eala.

Nakatakda nitong harapin si world No. 61 Lucia Bronzetti ng Italy sa first round ng Eastbourne Open.

Naitala ni Eala ang career-high ranking nito na No. 69 kamakailan.

Subalit unti-unting bumaba ang puwesto nito matapos ang sunud-sunod na kabiguan sa clay season kabilang na ang first-round exit sa French Open sa Paris, France.

Huling nasilayan sa aksyon si Eala sa Nottingham Open kung saan uma­bot ito sa Round of 32 at sa Ilkley Open na nakapasok ito sa quarterfinals.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with