Chua nakuntento sa 2nd place sa Vietnam
MANILA, Philippines — Lumanding sa second place si Pinoy cue artist Johann Chua matapos yumuko kay Vietnamese bet Nguyen Anh Tuan, 4-13 sa Race to 13 Finals ng 2025 9-Ball Peri Tribute Cup na nilaro sa Ðà N?ng Peri Pool Arena sa Vietnam, Huwebes ng gabi.
Bago sumampa sa championship round, kinaldag muna nito ang kababayang sina AJ Manas, 10-3 sa quarterfinals at sinunod si two-rime WPA World Champion Carlo Biado, 11-3 sa semifinals.
Hindi nakayanan ni 2023 World Cup of Pool Champion Chua ang tikas sa tumbukan ni Tuan na umarangkada agad sa kaagahan ng laro.
Sa ngayon naghahanda na rin sina Chua, Biado at Manas sa susunod na International tournaments na sasalihan.
Matapos malamangan ng lima, 2-7 ay hindi na naka-ahon ang Southeast Asian Games multi-medalist na si Chua kaya naman nasungkit ni Tuan ang korona at ang premyong VND700,000,000, katumbas ng halos P1.5 million.
Dumaan sa hirap si Chua bago nakatungtong sa finals, natakasan nito ang hill-hill game kontra Vietnamese Nguyen Van Huynh sa Last 16 duel, 9-8.
- Latest