Pacers pupuwersa ng Game 7

INDIANAPOLIS — Bagama’t naiwanan sa kanilang best-of-seven championship series ay kumpiyansa pa rin ang Indiana Pacers na makakatabla sila sa Oklahoma City Thunder sa Game 6 para makapuwersa ng Game 7 sa NBA Finals.
“I’m sure it’s going to be a huge moment for our fans. They’re going to be super excited. We have a chance at home, NBA Finals. It’s a good opportunity. That’s all it is,” ani Pacers’ forward Pascal Siakam.
Inangkin ng Thunder ang 3-2 abante sa kanilang duwelo matapos ang 120-109 panalo sa Game 5 para sa kanilang unang back-to-back wins sa NBA Finals.
Malalaman pa lang ngayon kung maglalaro si star guard Tyrese Haliburton na lumala ang strained right calf sa Game 5.
Ngunit pipilitin ni Haliburton na sumabak sa aksyon sa kabila ng kanyang injury.
“I have to understand the risks, ask the right questions,” ani Haliburton. “But I’m a competitor. I want to play. I’m going to do everything in my power to play.”
Para makabawi sa Oklahoma City ay kailangan ng Indiana na limitahan ang kanilang turnovers at ang offensive rebounding ng tropa ni NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander.
“What we need to do is buckle down. Stand strong. I anticipate one of the best crowds in the history of Gainbridge Fieldhouse,” ani Pacers coach Rick Carlisle. “We’ve got to find a way. The ultimate is to get to a Game 7. That is the ultimate privilege. It’s the ultimate experience in sports. But we’ve got to take care of home court tomorrow to do that.”
Para kay Gilgeous-Alexander, ito na ang pagkakataon ng Thunder para makopo ang korona.
Sakaling manalo ang Indiana ay dadalhin ang Game 7 sa Oklahoma City.
- Latest