Do-or-Die mentality
Walang dudang tumutok sa mga laro noong Miyerkules sina coaches Tim Cone at Leo Austria, at na-witness nila kung paano binura ng Rain or Shine at TNT ang bentahe ng kanilang higher-seeded rivals na NLEX at Magnolia.
Balansyado na ang laban sa muling paghaharap ng Elasto Painters kontra Road Warriors at Tropang 5G versus Hotshots sa Sunday.
At nagbabadya ang posibleng mapait na pagtiklop para sa NLEX at Magnolia.
Syempre hindi gusto ng top seed San Miguel Beer at fourth ranked Barangay Ginebra ang proposisyon na ito.
Kaya’t ang kanilang masidhing pakay eh tapusin agad ang kalaban hangga’t maaari.
Meralco ang katapat ng San Miguel samantalang Converge ang dadaanan ng Ginebra sa quarterfinals.
Inaalis ng Beermen at Gin Kings sa kanilang isipan ang twice-to-beat advantage dahil maaaring itong magbigay sa kanila ng wrong sense of complacency.
Mas nais nilang makaramdam ng pressure na magtutulak sa kanila na lumaro with urgency, purpose at determination sa unang laro pa lang ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.
“Bottomline is we’re just going to prepare ourselves and try to go out and just win one game. That’s really we’re thinking about, one game, not twice-to-beat. We’re just thinking about one game and winning that,” ani Cone.
Walang dudang iyan din ang tinutulak at sinusubo ni coach Austria sa kaisipan ng kanyang koponan.
Kung mananagumpay, ikakasa ng Gin Kings at Beermen ang eksplosibong semifinal matchup.
- Latest