^

PM Sports

Belen inaabangan na sa PVL

Chris Co - Pang-masa
Belen inaabangan na sa PVL
Mhicaela Belen

MANILA, Philippines — Nakasentro ang lahat sa debut ni three-time UAAP MVP Bella Belen kasama ang Capital1 Solar Spikers sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL).

Malaki ang tiwala ni Alas Pilipinas head coach Jorge Souza de Brito kay Belen dahil ito ang bagong mentor ng Solar Spikers.

Mismong si De Brito ang nakakita sa husay ni Belen dahil magkasama ang mga ito sa Alas Pilipinas na sumabak sa AVC Nations Cup sa Hanoi, Vietnam.

Magiging malaki ang papel ni Belen dahil ito ang inaasahang mangunguna sa Solar Spikers.

“It’s a big change for her – not just shifting from college to the pros, but also stepping into a new role. She’s no longer just a young player on the national team; she’s now a leader,” ani De Brito.

Malaki ang tiwala ni De Brito sa kakayahan ni Belen na may magandang pag-uugali sa loob at labas ng court.

Bukod pa rito ang solidong laro nito mula sa opensa hanggang sa depensa na pangunahing magiging armas nito sa kanilang mga laban.

“But I believe she has what it takes. She has the mindset, the work ethic, and the heart,” ani De brito.

Umaasa si De Brito na mas lalo pang mahuhubog ang husay ni Belen upang mas lalo pang maging mahusay ito.

“It’s my challenge to help her stay focused, improve, and grow – not just as a player, but also as a teammate and leader. I think Capital1 is doing its best to give her an environment where she can truly thrive,” ani De Brito.

Umaasa rin si De Brito na mapapalakas nito ang Solar Spikers sa kabuuan upang maging isa sa mga top contenders ang kanilang tropa.

Nangako naman si De Brito na walang magiging problema kung pagsabayin nito ang pagiging coach ng Alas Pilipinas at Solar Spikers.

Masusubukan agad si De Brito dahil makakasagupa ng Solar Spikers ang powerhouse teams Creamline at Cignal sa Hunyo 22 at 23 sa PVL on Tour na gaganapin sa Vigan, Ilocos Sur.

MHICAELA BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with