Haliburton sasailalim sa MRI

INDIANAPOLIS — Nagkaroon si Indiana Pacers star Tyrese Haliburton ng isang strained right calf at nakatakdang sumailalim sa MRI para madetermina ang lagay nito.
Lumala ang nasabing calf injury ni Haliburton sa first quarter ng 109-120 kabiguan ng Pacers sa Oklahoma City Thunder sa Game 5 ng NBA Finals, ngunit bumalik siya sa second quarter para tapusin ang laro.
Inamin ni Indiana coach Rick Carlisle na hindi 100 percent ang kondisyon ng kanyang star guard matapos ang laban.
Tiniyak ni Haliburton na maglalaro siya sa Game 6 bukas kung saan nahulog ang Pacers sa 2-3 agwat sa kanilang best-of-seven championship series ng Thunder.
“If I can walk, then I want to play,” sabi ng 6-foot-6 na si Haliburton.
Naglista si Haliburton ng mga averages na 15.0 points, 7.2 assists at 6.2 rebounds para sa Indiana.
Sa pagkatalo nila sa Game 5 ay naglaro si Haliburton ng 34 minuto at nagtala ng 0-of-6 field goal shooting.
Tumapos siya na may 6 points, 6 assists at 7 rebounds.
- Latest