Thunder dikit na sa NBA title

OKLAHOMA CITY — Kumamada si Jalen Williams ng career playoff-high 40 points habang may 31 markers si MVP Shai Gilgeous-Alexander sa 120-109 dominasyon ng Thunder sa Indiana Pacers sa Game 5 at makalapit sa inaasam na NBA championship.
“We’re learning,” wika ni Williams sa Oklahoma City na inagaw ang 3-2 lead sa kanilang best-of-seven finals series ng Indiana.
May tsansa ang Thunder na tapusin ang Pacers sa Game 6 at angkinin ang pinapangarap na NBA title sa Indianapolis sa Biyernes (Manila time).
“It wasn’t a perfect game at all and there’s a lot of room for growth,” wika ni OKC coach Mark Daigneault. “But our improvement from Game 4 to Game 5 was critical.”
Humataw si Pascal Siakam ng 28 points para sa Indiana habang may 18 points si TJ McConnell at may 14, 13 t 12 markers sina Aaron Nesmith, Myles Turner at Obi Toppin, ayon sa pagkakasunod.
Nakabangon ang Pacers mula sa isang 18-point deficit sa second period para makadikit sa 93-95 sa pamumuno ni Siakam sa fourth quarter bago muling nakalayo ang Thunder patungo sa panalo.
“It kind of went away from us,” sabi ni Siakam. “But the fight was there.” It was, but now everything favors the Thunder.
Idinagdag ni Indiana coach Rick Carlisle na may iniindang leg injury si star guard Tyrese Haliburton.
“He’s not 100%,” ani Carlisle kay Haliburton. “It’s pretty clear.”
Tumapos si Haliburton na may 4 points, 7 rebounds at 6 assists.
- Latest