^

PM Sports

SBA Season 2 Draft Day sa July 29

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinakda ang Draft Day ng Sharks Billiards Association Season 2 sa Hulyo 29 patungo sa actual competition sa Setyembre.

Ang Taguig City ang naghari sa nakaraang SBA Season 1.

Bukod sa Taguig City, makikipagrambulan din para sa korona ang Quezon City, Manila, Negros Occidental at baguhang Makati.

Mula sa apat na teams na may tig-limang players, papagitna sa darating na SBA Season 2 ang limang tropa na may tig-a­nim na players at sasalang sa isang point system round-robin format patungo sa best-of-five finals.

Ayon kay SBA founder Hadley Mariano, tatlong events ang nakalinya sa torneo na suportado ng Smart Sports, Cignal TV at MSW — ang King of the Hill, isang one-on-one format kung saan sa bawat matatapos na lamesa ay may papasok na bagong player; ang Doubles; at ang One-on-One.

“Parang hindi na siya individual. May che­mistry na kailangan and mas maganda. Naging team sport siya,” dagdag ni Mariano sa sesyon na inihandog ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at 24/7 app ArenaPlus.

BILLIARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with