^

PM Sports

Piso tamang barko

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Lintik lang ang walang ganti.

‘Di man aminin ng San Miguel Beer, ito ang kanilang kaisipan sa pakikipagharap sa Meralco sa kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals matchup.

Garantisadong gigil na gigil ang mga Beermen na iganti ang kanilang pagtupi sa mga Bolts sa kanilang title showdown sa nakaraang all-Filipino finals.

Dahil siguradong napakataas ng determinasyon nina June Mar Fajardo at mga kasama, kailangan ng Bolts ang malalim na bunot upang magkatsansang makausad sa semifinals.

At lamang na nga sa roster strength, syempre nariyan pa ang twice-to-beat advantage ng Beermen bilang playoffs top seed.

Ang nakikitang magandang matchup eh ang NLEX versus Rain or Shine. May tsansa ang Elasto Painters kahit na tangan pa nila ang twice-to-win disadvantage.

At sinasabi ng marami na wala rin kasiguruhan ang madaling pag-abante ng Barangay Ginebra at Magnolia kahit na sila rin ang may partida bilang higher seeds.

Haharapin ng Gin Kings ang nakakatakot na Converge team na pinangungunahan nina young stalwarts Justine Baltazar, Justin Arana, Alec Stockton at Schonny Winston.

Samantalang haharapin naman ng Magnolia ang TNT Tropang 5G na nagtutulak ng kanilang grand slam aspiration.

Piso tamang barko, aabante ang San Miguel sa semis. Pero tunay na mabigat tumaya ng todo sa tatlong iba pang quarters series.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with