^

PM Sports

Alex Eala hahataw sa Nottingham main draw

Chris Co - Pang-masa
Alex Eala hahataw sa Nottingham main draw

MANILA, Philippines — Patuloy ang matikas na kamada ni Alex Eala para makasiguro ng silya sa main draw ng women’s singles ng Lexus Nottingham Open na ginaganap sa England.

Naitakas ng Pinay netter ang pukpukang panalo laban kay Anca Todoni ng Romania sa pamamagitan ng 6-3, 6-7 (4), 6-3 desisyon sa final round ng qualifying event kahapon.

Dumaan sa butas ng karayom si Eala bago makuha ang panalo.

Magaan nitong nakuha ang first set bago nakasagupa ng malakas na puwersa mula sa Romanian netter sa second frame.

Nakipagsabayan ng husto si Todoni partikular na sa second set dahilan para maitabla nito ang laro sa 1-1.

Nakarekober agad si Eala sa third set kung saan maganda ang serves nito para makuha ang panalo.

Nauna nang tinalo ni Eala si Varvara Gracheva ng France sa first round ng qualifying sa iskor na 6-3, 3-6, 6-3.

Mapapalaban ng husto si Eala sa main draw dahil makakasagupa nito si sixth seed Magda Linette ng Poland sa opening round.

Nakatakda ang laro nina Eala at Linette nga­yong araw sa alas-6 ng gabi.

Hindi naman na bago si Eala sa pagharap sa mga seeded players dahil nagawa na nitong maki­pagsabayan sa malalaking pangalan sa tennis world sa Miami Open.

Matatandaang tatlong Grand Slam winners ang pinataob ni Eala sa Miami Open kabilang na si dating French Open champion Iga Swiatek ng Poland.

Pinatumba rin ni Eala sina Australian Open champion Madison Keys at Grand Slam winner Jelena Ostapenko.

Kasalukuyang nasa No. 77 si Eala sa world ranking ng WTA.

Kailangan ni Eala na makalikom ng panalo upang makahirit ito ng awtomatikong silya sa Wimbledon Championships at sa US Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with