Durant ayaw ng reunion sa Warriors

MANILA, Philippines — Ayaw ni Suns star Kevin Durant na magkaroon ng reunion sa dati niyang tropang Golden State Warrior.
At sa halip ay mas gusto niyang lumipat saan man sa Miami Heat, San Antonio Spurs at Houston Rockets para sa darating na NBA season.
Muntik mai-trade si Durant sa Warriors noong February trade deadline bago niya sinabing hindi siya interesadong bumalik sa dating tropa at mas gustong tapusin ang season sa Phoenix team.
Kumamada si Durant, magdiriwang ng kanyang ika-37 kaarawan sa Setyembre, ng mga averages na 26.6 points, 6.0 rebounds at 4.2 assists sa 62 games para sa Suns.
Magtatapos ang nilagdaang $54.7 million deal ni Durant para sa 2025-26 season at sinabi na ng Phoenix franchise na bukas sila para sa trade sa 6-foot-8 shooting forward.
Alam na ng mga NBA teams na ite-trade ng Suns si Durant simula noong February trade deadline.
Sakaling tuluyan nang mai-trade ay puwede nang lumagda ang 15-time All-Star sa isang two-year contract extension na nagkakahalaga ng $122 million.
At kung maghihintay naman siya ng anim na buwan matapos ang trade ay maaari siyang pumirma sa isang two-year extension na aabot sa $124 million.
- Latest