V-League Visayas papalo sa Hulyo 5
MANILA, Philippines — Pagkakataon ng mga atletang mula sa probinsya na maipakita ang kanilang husay sa paglaro ng volleyball at para makalaro sa national team o pro-league.
Ito’y dahil magsisimula na ang V-League Visayas sa Hulyo 5, 2025, para sa mga provincial collegiate players.
Ayon sa dating national team standout na si Grace Antigua, malaking oportunidad para sa mga netters na nangangarap na maging pambato ng Pilipinas sa mga international tournaments ang nasabing liga.
“This is more than a competition,” ani Antigua ang head coach ng men’s at women’s teams ng University of San Carlos (USC) Warriors. “This is a dream platform for our players – a place where they can finally be seen and, hopefully, be called up to greater opportunities.”
Kasali ang USC Warriors sa Visayas V-League opening salvo at posibleng isa sila sa markadong teams.
Ayon sa mga organizers ay may malaking tsansa na manggagaling sa nasabing liga ang players na maglalaro sa Premier Volleyball League at Alas Pilipinas national team.
“This is grassroots. Once younger athletes see that we have our own Visayas V-League, they will be inspired to be part of the bigger volleyball scene in the country,” ani Antigua. “It will spark belief in the players, and that’s the first step to greatness.”
Komento naman ni assistant coach Harvey Bernil, maraming puwedeng maitulong ang liga sa mga atletang dati ay nanonood ng mga laro sa telebisyon, puwede na silang maging player naman at mapanood din tulad ng mga volleyball fans sa kanilang lugar.
May mga atleta sa probinsya na gustong maglaro sa mga liga sa Maynila pero walang pagkakataon.
- Latest