4 players lang ang itinira ng Lady Warriors
MANILA, Philippines — Tanging sina scorers Van Bangayan, Khy Cepada, libero Angelica Reyes at outside hitter Bea Zamudio lamang ang natira sa line-up ng Lady Warriors para sa UAAP Season 88.
Ito ay matapos tanggalin ng University of the East ang ilang miyembro ng kanilang women’s volleyball team dahil sa pag-alis ng Strong Group Athletics bilang kanilang sponsor.
Ang SGA ang sumuporta sa Lady Warriors mula UAAP Season 86 hanggang 87.
Sa ilalim ni interim coach Allan Mendoza ay nagtala ang UE ng 0-14 record sa UAAP Season 87 matapos ang pagkawala nina Casiey Dongallo, Jelai Gajero, Kizzie Madriaga, Shamel Fernandez at Jenalyn Umayam.
Kasalukuyan nang naghahanap ang UE Physical Education (PE) Department ng mga bagong players at coaches at nakatakdang magdaos ng “open tryout”.
“In line with this policy, despite the team’s underperformance in previous seasons, all incumbent players were given the same opportunity and due process to participate in the tryout, alongside new participants,” pahayag ng UE.
Naghahanap na ang UE ng bagong sponsor na hahalili sa SGA.
- Latest