^

PM Sports

Magandang exit ng Phoenix kontra Blackwater

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Magandang exit ng Phoenix kontra Blackwater
Pumuwersa sa ilalim si forward Ken Tuffin ng Phoenix laban sa Blackwater.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nagpakawala ng 39 points sa first quarter ang Phoenix at hindi na prumeno patungo sa 124-109 panalo sa Blackwater para sa magandang panapos nito sa 2025 PBA Phi­lip­pine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Pumukol ng 39 points, 5 rebounds at 7 assists si Jason Perkins para trangkuhan ang magarbong exit ng Fuel Masters hawak ang 4-7 kartada.

Nag-ambag ng 29 markers si Ken Tuffin, habang may tig-14 points sina Tyler Tio at Kai Ballungay para sa mga bataan ni coach Jamike Jarin.

Balanseng atake ang ipinakita ng Phoenix mula simula sa tulong din ng anim na puntos ni RR Garcia pati na ang tig-limang marka nina Simon Camacho, RR Garcia at Raffy Verano.

Kagagaling lamang ng Phoenix sa 118-107 panalo sa talsik na ring NorthPort at hindi nagpaawat nang kumaripas kaagad sa 39-19 bentahe sa first quarter patungo sa kumbinsidong 15-point win.

Nakalapit sa hanggang siyam na puntos ang Bos­sing.

Subalit kapos pa rin upang magkasya sa 2-9 kartada para sa ikatlong sunod na eliminasyon sa tatlong conferences ngayong Season 49.

Nauwi sa wala ang 20 points ni Richard Escoto para sa mga manok ni coach Jeff Cariaso.

Napurnada rin ang 18 at 13 points nina RK Ilagan at Sedrick Barefield, ayon sa pagkakasunod.

Sa Terrafirma, 97-82, at NorthPort, 120-98, na parehong laglag din sa playoffs lang nanalo ang Bossing sa buong torneo.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with