^

PM Sports

‘Grudge match’ ng Alas at Taiwan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ‘grudge match’ ang pagtutuos ng Alas Pilipinas at Chinese Taipei sa knockout semifinals ng 2025 AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam.

Naitakda ang duwelo ng mga Pinay at Taiwanese spi­­kers sa semis nang magtapos bilang No. 1 at No. 2 teams sa Pool B at Pool A, ayon sa pagkakasunod.

Nakatakdang maglaban para sa finals berth ang da­lawang tropa kagabi habang isinusulat ito.

Tumapos ang dalawang koponan na may magkatulad na 4-1 record sa pool play.

Nauna nang winalis ng Alas Pilipinas ang Chinese-Taipei, 25-13, 25-21, 25-18, patungo sa kanilang four-game sweep sa Pool A ng 2024 Challenge Cup.

Bahagi ng koponan sina Eya Laure at Vanie Gandler na pumalo ng 15 at 12 points, ayon sa pagkakasalansan.

Sa nasabing torneo gumawa ng kasaysayan ang mga Pinay hitters nang makamit ang bronze medal.

Para makasampa sa semis ng 2025 AVC Women’s Volleyball Nations Cup ay tinalo ng Alas Pilipinas ang Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, noong Huwebes.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with