Pinoy spikers handa sa world meet
MANILA, Philippines — Bagama’t winalis ng Philippine men’s team ang Alas Pilipinas Invitationals ay sinabi ni coach Angiolino Frigoni na huwag masyadong umasa para sa darating na kampanya sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.
“I don’t know if we have enough time,” wika ng 71-anyos na Italian coach sa paghahanda ng mga Pinoy spikers sa world meet na nakatakda sa Setyembre 12 hanggang 28. “We will do our best to be good there.”
Pinuri ni Frigoni ang tropa dahil sa magandang ipinakita sa katatapos lamang na Alas Pilipinas Invitationals.
Tampok dito ang five-set win ng koponang binabanderahan ni Marck Espejo laban sa Thailand national team sa Independence Day.
“The three matches (Invitationals), we had bad moments,” sabi ni Frigoni. “But we didn’t give up. We stay there and we play. And that is what I like.”
Bukod kay Espejo, nagpakitang-gilas din sina Owa Retamar, Steven Rotter, Louie Ramirez, Peng Taguibolos at Kim Malabunga.
Tinalo ng Alas Pilipinas ang Hyundai Capital Skywalkers, Jakarta Bhayangkara Presisi at ang Thailand national team.
- Latest